CLOSING CEREMONY OF FOOD PROCESSING (CHIPS AND JAM MAKING) & ENTREPRENEURSHIP LEVEL IV TRAINING November 19, 2025
- Kim Ryan Tadlas
- Nov 19, 2025
- 1 min read
Matagumpay na isinagawa ang Closing Ceremony ng Food Processing (Chips and Jam Making) at Entrepreneurship Level IV Training sa Maruyog Ridge Hall, Barangay Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan, ngayong Nobyembre 19, 2025. Sa pangunguna ng Brooke’s Point School of Arts and Trade (BPSAT) at DSWD, kinilala sa seremonya ang 139 na learners mula sa hanay ng DSWD-4Ps beneficiaries na matagumpay na nakatapos ng kanilang pagsasanay. Pinamunuan ito ni BPSAT Administrator Refelyn M. Benedito, kasama ang mga opisyal mula sa Pamahalaang Lokal ng Brooke’s Point.
Pinangunahan nina Konsehal Stalwart Joseph M. Benedito, Konsehal Nathan Sam O. Lacanilao, at Konsehal Jimart Naingue ang pagbibigay mensahe, habang naghatid naman ng pangunahing pahayag si Mayor Cesareo R. Benedito Jr., na nagbigay-diin sa kahalagahan ng kabuhayan at kasanayan para sa pag-unlad ng bawat pamilya.
Bahagi rin ng programa ang presentasyon at kumpirmasyon ng mga nagsipagtapos, na pinangunahan nina TESDA PC–Palawan Center Administrator Javelin E. Obrero at TESDA Palawan Provincial Director John D. Simborios.
Sinundan ito ng awarding of certificates bilang pagkilala sa pagsisikap at dedikasyon ng mga kalahok sa kani-kanilang training programs. Nagtapos ang seremonya sa pagbabahagi ng karanasan mula sa piling learners, na nagbigay-inspirasyon at patunay sa kahalagahan ng programang pangkabuhayan sa paghubog ng mas matatag at mas produktibong komunidad.







Comments